Dec 04, 2025 | 6:30 AM
Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na magsasampa ito ng deportation case laban sa isang 41-anyos na Chinese national na umano’y nag-import ng luxury vehicles ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, inaresto ang suspek noong Nobyembre 27 sa Makati dahil sa illegal use of alias, obstruction of apprehension, false representation, at misrepresentation of material information. Siya ay kasalukuyang nakadetine sa Special Operations Division ng Highway Patrol Group sa Camp Crame.
Iniimbestigahan ng Land Transportation Office (LTO) ang paggamit ng suspek ng ibang pangalan sa mga record, at binigyang-diin na ang paggamit ng pekeng identidad ay nagpapakita na ang isang dayuhan ay “undesirable” sa bansa.
**
Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na ikonsiderang alternatibo muna ang manok dahil sa mataas na presyo ng isdang galunggong.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. , na naging mataas na ang presyo ng mga imported na galunggong na naglalaro mula P280 hanggang P350 kada kilo.
Habang ang mga lokal na galunggong ay naglalaro mula P300 at aabot pa ng P400 kada kilo. Dagdag pa nito na nagkakaroon ng problema ng suplay ng nasabing isda dahil sa closed fishing season.
**
Masayang ipinamalita ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na ang “Mabango 3” na uri ng bigas o Denorado ay nagwagi sa patimpalak na ginanap sa Cambodia.
Tinalo ng Denorado ang 30 iba pang uri ng bigas mula sa iba’t-ibang ban sa. Habang nagtabla sa gold ang Cambodia at Vietnam.
Ang “Mabango 3” ay gawa mula sa Philippine Rice Research Institute.Ang nasabing patimpalak ay isang pagkilala sa mga scientist ng bansa na patuloy na gumagawa ng iba’t-ibang uri ng bigas sa bansa.