Skip to content

December 31 - 8 am NEWS

December 31 - 8 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Dec 31, 2025 | 8:30 AM

Hindi bubusalan ng mga tauhan at opisyal ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang dulo ng kanilang mga baril sa pagsalubong sa Bagong Taon. to’y alinsunod sa direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na tinagubilinan ang mga sundalo na pairalin ang disiplina at iwasan ang indiscriminate firing.

Inalerto rin ng AFP ang lahat ng units nito sa buong bansa sa panahon ng bakasyon.  Tiniyak naman ng AFP na ipagpapatuloy nito ang pangangalaga sa taumbayan at sisiguraduhin rin ang mapayapa, maayos at ligtas sa panganib ang selebrasyon ng Bagong Taon.

**

Magpapatupad ng paghihigpit ang Department of Health (DOH) sa paglabas-masok sa mga ospital bilang hakbang kasunod ng napaulat na pagdukot sa mga sanggol.

Sa isang statement, inihayag ni Health Secretary Ted Herbosa na isa sa mga ipapatupad na paghihigpit ay ang pagsusuot ng ID ng mga nakasuot ng scrub suit kapag nasa loob ng pasilidad.

Pangalawa, hihigpitan din aniya ang paglabas ng mga bata sa emergency department at kailangang may papel.   nanunsiyo rin ng kalihim na sisimulang ipatupad ang parehong protocols katulad ng ipinapatupad sa Texas, USA na “Amber Alert”, kapag may nawalang inpatient na bata o matatanda sa ospital.

**

 Umapela si Philippine National Police  Acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. sa mga motorista na sumunod sa road safety rules para maiwasan ang banggaan ngayong marami ang magbibiyahe para sa bagong taon.

Ayon kay Nartatez, mahigpit na sumunod sa batas trapiko para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng pagdagsa ng mga magbibiyahe para sa pagdiriwang ng bagong taon.

Binigyang-diin nito Nartatez na mahalaga ang mahigpit na pagsunod sa mga patakaran sa trapiko para maiwasan ang mga aksidente sa kalsada, na tumaas sa mga nagdaang araw dahil sa holiday rush.