Dec 30, 2025 | 7:30 AM
Isang organisasyon na layong hikayatin ang mas maraming kabataang babae na pumasok sa technology sector ang nakatanggap ng malaking donasyon mula sa isang Winnipeg-based company ngayong holiday season.
Ang While She Is True o WST, sang non-profit na nagbibigay ng libreng in-person at online coding classes para sa mga batang babae na edad 8 hanggang 15, ay nakatanggap ng 30 refurbished laptops mula sa payroll at HR company na Payworks. Layunin ng donasyon na palawakin ang access sa computer-based learning at bawasan ang hadlang sa pag-aaral ng STEM.
Itinatag ni Ebun Makinde ang WST matapos mapansin ang kakulangan ng kababaihan sa computer science classes noong siya ay nasa high school sa Winnipeg. Ayon sa kanya, malaking isyu ang kakulangan ng access sa laptops, lalo na para sa mga batang babae.
****
Tumaas ang bilang ng spinal surgeries sa Manitoba nitong mga nakaraang taon, ngunit may ilang pasyente pa ring nagsasabing nahihirapan silang makakuha ng kinakailangang specialized care, lalo na sa labas ng probinsya.
Ayon sa datos, nakapagtala ang Manitoba ng humigit-kumulang 15 porsiyentong pagtaas sa spinal surgeries noong 2024 at 2025 kumpara sa 2023, taon na maupo sa puwesto ang NDP government at bawasan ang out-of-province surgery program ng dating Progressive Conservative task force.
***
Isinagawa nitong Sabado ang isang community sports festival ng Winnipeg Newcomer Sport Academy sa University of Winnipeg upang tulungan ang mga batang bagong dating sa Canada na makilahok sa sports at makabuo ng bagong kaibigan.
Humigit-kumulang 100 bata na may edad 5 hanggang 14 ang lumahok sa event, na bahagi ng libreng programa ng academy para sa mga batang wala pang limang taon sa Canada. Kabilang sa mga aktibidad ang basketball, soccer, volleyball, ice skating, golf, breakdancing, drumming at Indigenous games.