Skip to content

December 30 - 6 am NEWS

December 30 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Dec 30, 2025 | 6:30 AM

Pinawi ng Metro Rail Transit o MRT  3 ang pangamba ng publiko dahil sa umano’y pagtaas sa singil sa pasahe.

Ayon kay MRT-3 General Manager Mike Capati, na hindi pa nila tinatalakay ang nasabing pagtaas ng singil sa pasahe sa susunod na taon.  Sa 2026 ay marami aniyang mga pagsasaayos na gagawin sa MRT-3 stations gaya ng escalators at iba pa.  Hanggang sa katapusan ng 2026 ay maaring magamit na ang nasa 48 na Dalian trains.

**

Pormal ng nanumpa si General Nicolas Torre bilang bagong MMDA General Manager kapalit ni Procopio Lipana.  Ginawa ang panunumpa sa Malakanyang na pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto.

Bago ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang appointment paper ni General Torre bilang GM ng MMDA nitong nagdaang Disyembre 19, 2025.

Ito rin ang araw na kinumpirma ng Malacañang ang kanyang pagtatalaga sa nasabing posisyon.  Bilang bagong MMDA general manager, inaasahang kakaharapin ng heneral  ang hamon sa  matinding trapik sa Metro Manila.

Kasama na rin dito ang pagpapatupad ng disiplina sa kalsada, problema sa baha at maayos na koordinasyon sa mga Local government units.

**

Muli naming  nakitaan ng andap o frost ang ilang lugar sa Cordillera Administrative Region.

Ito ay kasabay ng patuloy na pag-iral ng malamig na temperatura, lalo na sa Northern Luzon na pangunahing naaapektuhan ng lumalakas na Hanging Amihan.

Ilang bahagi ng naturang rehiyon ang muling kinataan ng mga andap na bumabalot sa dahon ng mga pananim, damuhan sa iba’t-ibang bahagi ng Cordillera.  Pangunahin dito ang ilang mga sakahan sa Atok, Benguet.

Batay sa report na inilabas ng state weather bureau, lalo pang bumagsak ang temperatura sa ilang lugar sa CAR, habang lumalakas ang amihan.  Nitong Linggo, umabot sa 12.1°C ang temperatura sa La Triidad, Benguet. Ito na ang pinakamababang temperaturang naitala ngayong season.