Skip to content

December 29 - 8 am, NEWS

December 29 - 8 am, NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Dec 29, 2025 | 8:30 AM
 
Hiniling ng Philippine National Police o PNP sa mga opisyal ng barangay at publiko na tumulong para mapanatiling mapayapa at maayos ang pag diriwang ng pagsalubong sa new year.
Sa isang pahayag pinaalalahan ni PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang publiko na panatilihin ligtas ang pagdiriwang ng bagong taon, dahil ilang araw bago ang mismong Bagong Taon ay mayroon ng naiitatalang hindi bababa sa 100 na indibidwal ng biktima ng paputok.
Kaugnay nito, nanawagan ang hepe ng pulisya sa mamamayan na iwasan na ang paggamit ng paputok para sa kanilang kaligtasan, hinimok din nito ang mga lider ng barangay na maging aktibo at siguruhin ang seguridad ng mga mamamayan sa kanilang lugar lalong-lalo na ang pagbabawal ng paggamit ng mga ilIgal na paputok sa pagdiriwang ng bagong taon.
***

Nangunguna ang stroke at atake sa puso sa mga naitalang kaso ng noncommunicable diseases ngayong holiday season base sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH).

Mula Disyembre 21-28, umabot sa 190 kabuuang kaso ng noncommunicable diseases ang naitala sa nasabing panahon.  Sa bilang na ito, 118 kaso ay acute stroke o brain attack, habang 49 kaso naman ang acute coronary syndrome o heart attack.  Samantala, 23 kaso ang naitalang bronchial asthma.

Batay sa datos, mas karaniwan sa mga kalalakihan ang tinatamaan ng brain attack at heart attack, na iniuugnay sa mga risk factor gaya ng altapresyon, paninigarilyo, at hindi malusog na lifestyle. Mas mataas naman ang bilang ng bronchial asthma sa mga babae.