Skip to content

December 26 - 8 am NEWS

December 26 - 8 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Dec 26, 2025 | 8:30 AM

Nagbabala si Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima sa posibleng pagwawakas ng Independent Commission for Infrastructure o ICI  kasunod ng pagbibitiw ni ICI Commissioner Rossana Fajardo. Aniya, maaaring magdulot ng seryosong epekto sa operasyon ng ICI ang pag-alis ni Fajardo. 

Mas mainam sana kung naitatag na ang panukalang batas ang Independent Commission Against Institutioal Corruption o ICAIC upang masiguro ang tuloy-tuloy at mas matibay na kampanya laban sa katiwalian.

Inihayag ni De Lima kung naisa batas na ang ICAIC ay sana ang mga mahahalagang dokumento na hawak ng yumaong DPWH USec. Catalina Cabral at na secure na sana.  Sa pagkamatay ni Cabral, sinabi ni De Lima maraming katanungan ang dapat sagutin. Dahil dito isang resolusyon ang inihain ng ilang minority law makers sa Kamara para imbestigahan in aid of legislation ang circumstances sa pagkamatay ni Usec. Cabral.

**

Ibinida ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth  na sapat na ang network ng mga accredited hospitals at health facilities nito para pagsilbihan ang mga miyembro nito sa buong bansa.

Sinabi ni PhilHealth spokesperson Dr. Israel Francis Pargas na halos 98% ng mga ospital sa bansa ay accredited na, habang ang natitirang 2% ay hindi lisensyado o nagsara na.

Kasalukuyan ding ina-accredit ng PhilHealth ang humigit-kumulang 10,000 health facilities, kabilang ang mga ospital, clinics, surgical centers, birthing facilities, HIV laboratories, at animal bite treatment centers.

Dagdag pa ni Pargas, plano ng PhilHealth na palakasin at palawakin ang benefit packages nito, na dumadaan sa financial at actuarial studies upang matiyak ang sustainability.