Dec 26, 2025 | 7:30 AM
Isang pag-aara ng Too Good To Go and Dalhousie University’s Agri-Food Analytics Lab reveals na ang pagkalito sa Best Before dates ay isa sa pangunahing dahilan ng food waste sa Canadian households. Sa average, bawat pamilya ay nagtatapon ng pagkain na nagkakahalaga ng $246 kada taon dahil sa maling pagkaintindi sa labels.
Sa survey, lumabas na 30% ng Canadians hindi alam ang tunay na ibig sabihin ng Best Before, at 4 sa 10 ang nagtatapon ng pagkain kahit edible pa. Kahit na 73% ng respondents ay gumagamit ng kanilang panlasa, ilong, at paningin para tingnan kung safe pa ang pagkain, 63% pa rin ang nakadepende sa date label sa desisyon. Dalawa sa tatlo rin ay iniisip ang presyo ng pagkain bago kainin ito after expiry.
Ang Best Before date ay indicator lang ng kalidad, tulad ng freshness at flavor, at hindi ng safety. Products na may shelf life na higit sa 90 days ay hindi na kailangan ng Best Before label.
**
Nagbigay ng festive advisory ang Transportation Security Administration o TSA sa mga biyahero ngayong holiday season: huwag magsuot ng mga sparkly o sequined na damit sa airport kung ayaw ma-delay sa security.
Ayon sa TSA, ang mga holiday sweaters o accessories na may metallic materials o sequins ay maaaring mag-set off sa body scanners, na maaaring magdulot ng karagdagang screening, kabilang ang pat-downs o hiling na alisin ang outer garments tulad ng jackets, hoodies, o ponchos.
Nagbigay rin ang TSA ng payo sa pagbiyahe kasama ang regalo: mas mainam ang gift bags o removable-lid boxes para madaling ma-inspect ng security. Samantala, ang live plants at flowers, kabilang ang poinsettias, ay pinapayagan sa domestic flights basta sumunod sa airline carry-on rules.