Skip to content

December 24 - 7 am NEWS

December 24  - 7 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Dec 24, 2025 | 7:30 AM
Tumanggap ang The Forks ng $3 milyon na pondo mula sa Manitoba government para sa revitalization ng historic rail bridge sa Winnipeg. Inanunsyo ang pondo nitong Disyembre 23 at itinuturing itong malaking tulong para sa muling pagbubukas ng tulay na isinara noong Hunyo 2023 matapos matuklasan ang safety concerns sa structural assessment.
Tinatayang $9.3 milyon ang kabuuang gastos para sa pagkukumpuni at pagbabalik-operasyon ng tulay, na dati ay ginagamit ng humigit-kumulang 350,000 tao kada taon bilang mahalagang active transportation link sa pagitan ng The Forks at St. Boniface. 
***
Isang dating homeless na lalaki sa Winnipeg ang nananawagan ngayon para sa managed encampment site bilang unang hakbang patungo sa affordable housing para sa mga taong walang tirahan.
Si Claudemier Bighetty, isang outreach at community support worker ng St. Boniface Street Links, ay dating nakaranas ng matagal na homelessness, adiksiyon, at pagkakakulong bago tuluyang maging sober noong 2023. Ngayon, ginagamit niya ang social media at ang kanyang trabaho sa komunidad upang isulong ang ideya ng isang sanctioned at pinamamahalaang tent site na may basic services tulad ng kuryente, banyo, at access sa mga support organization.
Noong Nobyembre, iniharap ni Bighetty at ng kanyang grupo ang panukala sa Winnipeg city council. Nitong buwan, pumayag ang lungsod na pag-aralan ang posibilidad ng isang managed encampment pilot project, kabilang ang gastos at posibleng tulong mula sa lalawigan.
**
Mahigit doble ang bilang ng mga sasakyang pinahinto ng Winnipeg Police Service sa ikatlong linggo ng Holiday Season Checkstop Program. Mula Dec. 15 hanggang 21, . Umabot sa 1,183 drivers ang nasuri, mas mataas ng 636 kumpara noong nakaraang linggo.
Sa mga ito, 36 drivers ang nahuling nagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alak o droga, habang 21 ang nabigyan ng “warn” na nagresulta sa licence suspension. Paalala ng pulisya, lahat ng pinahihintong driver ay kailangang magbigay ng breath sample, at hinihikayat ang publiko na gumamit ng designated driver, rideshare, transit, o Operation Red Nose ngayong holiday season.