Ang katapatan ng bawat sundalo ay dapat nakatuon lamang sa Republika ng Pilipinas at hindi sa sinumang indibidwal o grupo.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Joint graduation ceremony ng mga major services officers candidate course ng Armed Forces of the Philippines. Ayon kay Marcos dapat manatiling hiwalay sa anumang anyo ng pulitika o maging apolitical ang mga sundalo, ang pagiging miyembro ng AFP ay pagsasabuhay ng integridad at tapat na paglilingkod sa bayan.
Hinikayat niya ang mga bagong opisyal na panatilihin ang dangal ng uniporme at tuparin ang kanilang tungkulin nang may katapatan at dedikasyon para sa kapayapaan at seguridad ng bansa.
Ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magpapatuloy pa rin ngayong buwan ang kanilang gagawing labor inspections. Sa inilabas na Labor Advisory ng DOLE na bahagi pa rin sa kanilang trabaho ang enforcement ng labor standards.
Isinasagawa lamang ang labor inspections kapag sila ay nakatanggap ng reklamo, kapag nagkaroon ng paglabag sa kaligtasan ng mga manggagawa at kahalintulad nito.
Tiniyak naman ng DOLE na kanilang inaaksyunan ang anumang reklamo na kanilang natatanggap.
Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na obligadong ibigay ang 13th-month pay sa kanilang mga empleyado ng hindi lalampas sa Disyembre 24.
Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, walang exemption sa pagbibigay ng benepisyong ito dahil itinuturing itong statutory right ng mga manggagawa at mahalaga sa para sa pangtustos ng pangangailangan ng mga pamilya ngayong holiday season.
Saklaw ng 13th-month pay ang lahat ng rank-and-file employees sa private sector, anuman ang kanilang posisyon, employment status, o paraan ng pagpapasahod, basta’t nakapagtrabaho sila ng hindi bababa sa isang buwan ngayong taon.