Skip to content

December 17 - 8 am NEWS

December 17 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Dec 17, 2025 | 10:39 AM

Hinikayat ni US President Donald Trump si Chinese President Xi Jinping na ikonsiderang pakawalan si Hong Kong pro-democracy tycoon Jimmy Lai.

Ayon sa US President na labis itong nalungkot kaya ng makausap ang Chinese President ay hiniling nito na kung maaari ay ikonsidera na palayain siya.

Si Lai na isang British citizen ay nakakulong mula pa noong Disyembre 2020 ay napatunayang guilty dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta na komokontra sa kontrobersyal na national security law.

Magugunitang maging ang United Kingdom ay humiling din na dapat ay pakawalan na ang 78-anyos na si Lai.

----

Dumaan sa Taiwan Strait nitong Martes ang Fujian, ang pinakabago at pinaka-advanced na aircraft carrier ng China, ayon sa Taiwan defense ministry.

Ito ang unang beses na tumawid ang barko sa sensitive waterway ng dagat mula nang pormal itong nagamit ng China noong nakaraang buwan.

Sinabi ng Taiwan na mahigpit nilang minomonitor ang pagdaan ng carrier. Hindi na nagbigay ng detalye ang China ukol sa insidente, habang patuloy ang magkabilang panig sa magkaibang posisyon kung ang Taiwan Strait ay teritoryo ng China o isang international waterway.

Magugunitang ang Fujian ay ang ikatlong aircraft carrier ng China at mas malaki kaysa sa mga nauna, dahil gumagamit ito ng electromagnetic catapults na kayang magpalipad ng mas marami at mas mabibigat na combat aircraft.

----

Muling nagsagawa ang US military ng airstrikes sa tatlong bangka na naglalaman umano ng iligal na droga sa eastern Pacific Ocean.

Ayon sa US Southern Command, na ang pinakahuling insidente ay nagresulta sa pagkasawi ng 8 katao.

Ang nasabing operasyon ay base sa kautusan ni US Secretary of War Pete Hegseth at ang Joint Task Force Southern Spear.

Matapos na makumpirma ang intelligence report na ang mga bangka ay inooperate ng Designated Terrorist Organizations ay agad nilang isinagawa ang airstrikes sa international waters.


Mula pa noong Setyembre ay nasa 95 katao na ang nasawi dahil sa ilang operasyon ng US military laban sa mga bangka na nagdadala ng iligal na droga.

Una ng sinabi ni US President Donald Trump na kanilang uubusin ang drug cartels na siyang nagdadala ng iligal na droga sa US.