Skip to content

December 16 - 7 am NEWS

December 16 - 7 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Dec 16, 2025 | 8:46 AM

Posibleng masakop ng Zero Balance Billing (ZBB) program ng pamahalaan ang ilang local government unit (LGU) hospitals pagsapit ng 2026, matapos isama ng Senado ang P1 bilyong budget para sa pagpapalawak ng programa sa Bicameral Conference Committee meeting.

Ayon sa Department of Health (DOH), maaaring i-tap ang mga Level 3 LGU hospitals, kabilang ang mga kandidato sa Sarangani, Laguna, Aklan, at Benguet, habang tinitingnan din ang Pampanga, Bataan, at Quezon.

Sa ilalim ng programang ito, mahigit 1,078,000 Pilipino na ang nakinabang sa loob lamang ng pitong buwan. Para mai-avail ang ZBB, kailangang ma-admit ang pasyente sa basic accommodation o ward, kung saan babayaran ng PhilHealth ang 100% ng kanilang bill.


***

Pinagsisira ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga iba’t-ibang uri ng vape products na na hindi nabayaran ang buwis na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon.
Sinabi ni BIR Chairman Charlito Mendoza na sa mga susunod na mga araw ay mayroong halos kalahating milyon pa na mga vape products ang nakatakda nilang sirain na hindi pumasa sa pagbabayad ng excise tax.
Sinabi nito na ang excise tax ay siyang nagpapataas ng presyo ng vape kung saan nagreresulta ito sa pagkadismaya ng mga gumagamit nito.
Ang kita naman na makukuha sa excise tax ay makakatulong sa pagpondo sa mga mba iba’t-ibang serbisyo sa publiko.

**


Handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagdaraos ng tradisyunal na Simbang Gabi ngayong Kapaskuhan, kabilang ang pag-deploy ng mahigit 70,000 pulis sa mga pangunahing simbahan at matataong lugar sa buong bansa.

Ayon kay PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., mas pinaigting ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan, mga opisyal ng barangay, at pamunuan ng simbahan para matiyak ang maayos na daloy ng tao at kahandaan sa anumang emergency. Tututukan din ang posibleng nakawan, pandurukot, trapiko, at fire hazards mula Disyembre 16 hanggang 24.

Sa Metro Manila, magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 23,218 tauhan sa mga simbahan at pasyalan, kasama ang mga multipliers at augmentation mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Nanawagan ang PNP sa mga magsisimba na maging mapagmatyag at agad magsumbong kung may kahina-hinalang gawain.