Skip to content

December 10 - 6 am NEWS

December 10 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Dec 10, 2025 | 6:30 AM
Binatikos ng kampo ng negosyanteng si Atong Ang ang inilabas na desisyon ng Department of Justice o DOJ  na sila ay pinakakasuhan dahil sa pagkakasangkot sa nawawalang sabungero.
Sinabi ni Atty. Gabriel L. Villareal ang abogado ng negosyante na ang resolusyon ay hindi patas sa inaakusahan at ito ay maraming butas.
Nakatuon aniya ang resolusyon sa kahinahinalang testimonya ng witness na si Julie Patidongan.
Inakusahan din ni Villareal si Patidongan na nagmamanipula ng proseso para iligtas ang sarili.
***
Isinusulong ngayon ng Office of the Ombudsman ang sistematikong mga hakbang at reporma sa paglaban nito kontra korapsyon.   Sa kinakaharap na isyu at kontrobersiya ng bansa sa usapin ng katiwalian, ibinahagi ni Ombudsman  Jesus Crispin Remulla ang planong mas paigtingin pa ang mga hakbang nitong ginagawa.
Aminado kasi siya na ang isyu ng korapsyon ay hindi maitatangging literal na nakamamatay.  Ito’y kasabay sa nagpapatuloy pa ring kaliwa’t kanan imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
***
Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na tatapusin na nito ang paggamit ng mga umano’y “temporary permits” sa TNVS units, na iginiit nilang hindi umiiral at ginagawa lamang ilegal ang operasyon ng mga gumagamit nito.  Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II, ang mga provisional authority at authority to operate lamang ang tanging valid ang mga dokumento para sa mga TNVS.  Binalaan niya din ang mga Transport Network Companies (TNCs) na tiyaking sumusunod ang kanilang mga driver, o kundi mahaharap sa mabibigat na parusa.