Skip to content

August 7 - 8am NEWS

August 7 - 8am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Aug 07, 2026 | 11:51 AM

Sinampahan ng Office of the Ombudsman ng siyam na bilang ng kasong graft sa Sandiganbayan si Tarlac 3rd District Representative Noel  Rivera ngayong araw, Agosto 7.

Kinumpirma ni Ombudsman Crispin  Remulla ang pagsasampa ng mga kaso dahil sa conflict of interest may kaugnayan sa anomalya sa mga flood control at infrastructure projects sa lalawigan.

Tinagurian din si Rivera na “congtractor.” Ayon sa imbestigasyon ng grupong United Pilipino Against Crime and Corruption (UPACC), si Rivera at ang kanyang asawa na si Concepcion Vice Mayor Evelyn Rivera ay nagmamay-ari ng Tarlac 3G Construction & Development Corporation. Ang kumpanyang ito ay nagwagi at nabigyan ng mga kontrata ng gobyerno para sa mga flood control projects sa Tarlac na nagkakahalaga ng mahigit P600 milyon, na siya mismo ang pumirma.

***

Mariing itinanggi ni dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez ang paratang ng Ombudsman na siya umano ang nasa likod ng pagbawi ng mga affidavit ng ilang dating bodyguard ni dating Ako Bicol Party list Representative Zaldy Co.

Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na walang katotohanan ang akusasyon at iginiit na ipinapakita lamang nito ang umano’y pangigipit laban sa kanya.

Aniya, ang pagbawi ng ”maleta boys” sa kanilang mga salaysay ay nagpapatunay lamang umano na mali at gawa-gawa ang mga paratang laban na inuugnay sa kanya sa flood control anomalies.