Kinumpirma ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na tinamaan ng kanilang militar ang dalawang oil refineries ng Russia.
Sa isang online post, sinabi ni Zelensky na tinamaan ng Defense Forces ng Ukraine ang Slavneft-Yanos refinery sa Yaroslavl at Bashneft- Novoil refinery sa Bashkortostan.
Sinabi rin ng Ukrainian president na tinamaan din nila ang dalawang military patrol boats at vessels mula sa shadow fleet ng Russa sa Black Sea.
Ayon naman sa gobernador ng Yaroslavl na si Mikhail Evraev, nawasak nila ang Ukranian drones na umaatake sa rehiyon subalit nagdulot ng sunog ang mga bumabagsak na debris sa tatlong kabahayan.
Kinumpirma kalaunan ng gobernador na mayroong apat na katao ang nasugatan ng shrapnel, subalit sa kabutihang palad ay walang nasawi.
---
Gumanti ang China sa ginawang pagpapataw ng sanctions ng US sa kanilang mga produkto.
Sa ginawang pag-anunsiyo ni Chinese Ministry of Commerce, na kanilang papatawan ng sanctions ang ilang mga produkto ng US kabilang na ang biotech at resource analytics firms.
Kasama na rin ang paghihigpit sa export controls sa mga drones at ilang mga bahagi nito maging mga teknolohiiya.
Aabot sa anim na mga kumpanya mula sa US ang idinagdag ng China sa kanilang countermeasures list bilang pagganti sa US.
Una ng pinagbawalan ng US na makapasok sa kanilang bansa ang 43 Chinese companies dahil sa alegasyonng human rights abuse sa Uyghur at ilang minority groups.
Ang nasabing hakbang ay ipinatupad isang buwan bago ang nakatakdang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa US sa susunod na buwan kung saan makakaharap niya si US President Donald Trump.
---
Nagkaroon na ng kasunduan ang Iran sa Oman para sa mapayapang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz.
Kinumpirma ito ni Foreign ministry spokesman Esmaeil Baqaei subalit hindi na nagbigay pa ng anumang detalye.
Dagdag pa nito na nasa “final stages” na ang nasabing kasunduan.
Nagbigay din ito ng pagbabala na ang kasunduan sa Oman ay hindi nag gagarantiya ng ligtas na pagdaan sa pamamagitan ng strait.
Iginiit nito na ang seguridad ay maapektuhan pa rin ng pagharang ng US sa mga pantala ng Iran.
Mula kasi ang maglunsad ng pag-atake ang US at Israel sa Iran nitong Pebrero ay hinarang ng Iran ang malaking bahagi ng Strait of Hormuz kung saan karamihang mga oil at liquefied natural gas ang kadalasang dumadaan sa lugar.
Una na ring sinabi ni US President Donald Trump na kanilang tatamaan ng matindi ang Iran kapag hindi agad na binuksan nila ang Strait of Hormuz.