Pumalo na sa 903 ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi habang umabot naman sa 4,247 katao ang natitalang nawawala matapos manalasa ang dambuhalang flash flood sa Nepal.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Authority (NDRRMA) ng Nepal, kabilang sa libo-libong nawawala ang halos 600 na dayuhang turista at pilgrims, pati na rin ang ilang miyembro ng security at government personnel.
Nagtala ng pinakamaraming nasawi ang mga distrito ng Chitwan, Nawalparasi East, Nawalparasi West, at Nuwakot matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig at putik ang mga pamayanan sa kahabaan ng mga ilog ng Bhote Koshi at Trishuli.
Nag-ugat ang trahedya noong Agosto 26 kasunod ng pagguho ng yelo at bato (glacial collapse) malapit sa border ng Tibet, na nagdulot ng biglaang pag-apaw at pagragasa ng tubig-baha.
Kasalukuyan nang nakadeploy ang humigit-kumulang 20,000 security personnel katuwang ang 14 na military helicopters upang magsagawa ng air at ground search-and-rescue operations. Higit 10,400 residente na ang matagumpay na nailigtas mula sa mga apektadong lugar.
Naging pangunahing balakid naman sa mga rescuer ang matinding pinsala sa imprastraktura matapos mawasak ang mahigit 25 milya ng pangunahing kalsada, 40 suspension bridges, at ilang hydropower installations sa bansa.
---
Inatake ng US force ang dalawang launchers ng Iran sa Larak Island , Iran.
Ito ang ang unang pag-atake ngUS sa Iran mula pa noong buwan ng Hulyo ng pansamantalang itigil ni US President Donald Trump at i-renew ang military campaign noong Hulyo.
Sinabi ni US Central Command spokesperson Commaner Tim Hawkins, na inunahan nila ang Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) forces na naghahanda para maglunsad ng rockets ganun din ang sea mines sa Strait of Hormuz.
Gumanti naman ang IRGC sa pamamagitanng paglulunsad ng atake sa mga US facilities na nasa Jordan.
Naharang naman ng Jordan ang nasa walong missiles ng IRGC dahil sa pag-atake.
Nahaharap ngayon ang Iran ng panibagong economic pressure matapos na ianunsiyo ng White House ang panibagong sanctions.