Pumalo na sa humigit-kumulang 390 katao ang kumpirmadong nasawi habang mahigit 1,400 pa ang nawawala matapos ang malagim na pagguho ng yelo at bato na nagdulot ng katastropikong baha sa Nepal at rehiyon ng Tibet sa Tsina.
Ayon sa mga awtoridad, hindi bababa sa 389 ang pumanaw sa Nepal habang tatlo naman ang nasawi sa Tibet.
Kabilang sa mga nawawala ang daan-daang lokal na residente at mga dayuhang turista mula sa India, United States, United Kingdom, Canada, Australia, at China.
Naging matinding hamon sa mga pamahalaan ang search and rescue operations dahil sa mga nasirang kalsada at tulay sa bulubunduking rehiyon.
Dahil dito, gumamit na ng mga helikopter ang rescue teams upang maghulog ng pagkain, gamot, at tolda, pati na rin sa paglikas sa mga nasugatang biktima.
Batay sa pagsusuri ng mga siyentipiko, ang trahedya ay dulot ng pagguho ng malaking bahagi ng glacier at bato sa Lhende River na mabilis na sumagasa sa mga bayan at lambak.
Nagpaabot na ng milyon-milyong dolyar na emergency aid at paunang tulong ang United Nations at iba’t ibang bansa upang umalalay sa mga apektadong komunidad.
---
Inanunsiyo ni Brett Leatherman ang Assistant Director ng FBI Cyber Division, na kanilang nasawata ang botnet na gamit ng Chinese group na QTFY.
Tinatarget ng QTFY ang ilang kritikal infrastructure sa US.
Lumabas sa imbestigasyon nila na konektado ang QTFY sa Nanjing Xinjiuwei Network Technology Company na nagbebenta ng mga ninakaw na data at hacking services sa Chinese military at intelligence agencies.
Ang QTFY ay nagtatrabaho sa Nanjing Xinjiuwei Network Technology Company.
Una ng inanunsiyo ng US Department of Justice na kanila na ring napigilan ang dalawang hacking platform na QScan at QTRouter na inooperate ng China.
Ilang mga biktima ng QTFY computer intrusion ay ang National Aeronautics and Space Administration, Federal Reserve, Department of Energy, Department of Justice, Department of Health and Human Services, National Institutes of Health at ang US Senate.
Tiniyak naman ni Attorney General Todd Blanche na kanilang dinis-abled at iniimbestigahan na ang malicious software ng China.