Umabot sa pito ang kumpirmadong nasawi habang siyam pa ang patuloy na hinahanap matapos sumiklab ang isang malakas na pagsabog at matinding sunog sa Amur Gas Chemical Complex sa rehiyon ng Russian Far East.
Ayon sa mga paunang ulat, nangyari ang insidente habang isinasagawa ang startup operations sa naturang malaking pasilidad.
Naitala rin ang mahigit 150 manggagawa na nagtamo ng iba’t ibang antas ng sugat at pinsala sa katawan bunsod ng insidente.
Ang Amur Gas Chemical Complex ay isang malaking joint petrochemical project sa pagitan ng Russia at Tsina na kasalukuyang itinutayo sa nasabing rehiyon upang palakasin ang produksyon ng kemikal at enerhiya.
Kasalukuyan nang nagpapatuloy ang malawakang search and rescue operations ng mga awtoridad sa lugar upang mahanap ang mga nawawalang manggagawa, habang naglunsad na rin ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang mismong pinagmulan at sanhi ng pagsabog.
---
Nakatakdang bumisita sa Tehran, Iran si Qatari Prime Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman bin Jassim Al Thani.
Layon ng pagbisita nito ay para muling buhayin ang mapayapang pag-uusap sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.
Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Qatar, na makakapulong nito ang ilang opisyal ng Iran.
Tatalakayin dito kung paano mapababa ang tensiyon sa pagitan ng US at Iran.
Nagkaroon ng bahagyang paghinto ng kasunduan noong Hulyo matapos na kapwa inakusahan ng US at Iran ang bawat isa na lumabag sa memorandom of understanding noong Hunyo.
Magugunitang nagpatupad ng panibagong economic pressure si US President Donald Trump sa Iran sa pamamagitan ng pagpataw ng sanctions sa mga trade partners nito.
---
Aabot sa 12 katao ang nasawi at 54 iba pa ang sugatan sa naganap na wildfire sa northeastern Algeria.
Ayon kay Minister of Interior Said Sayoud na ang mga nasawi ay mula sa probinsiya ng Jijel, Bejala at Tizi Ouzou.
Binisita rin nito ang mga pagamutan kung saan dinala ang mga biktima.
Aabot sa 154 na mga fire outbreaks ang naitala sa iba’t-ibang bahagi ng nasabing bansa.
Nagmula ang sunog dahil a matinding heatwave na nararanasan sa buong Algeria at Tunisia.
Ilang libong residente rin ang pinalikas sa kanilang mga bahay dahil sa naranasang malakihang sunog.
Tiniyak naman ng gobyerno ng Algeria na kanilang bibigyan ng tulong ang mga nasunugan.