Skip to content

August 25 - 8 am NEWS

August 25 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Aug 25, 2026 | 9:26 AM

Nag-alok ang US Department of State ng hanggang $10 milyon n rewards para maituro ang kinaroroonan ng limang pangunahing opisyal ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC).

Kinabibilangan nito nina Ahmed Vahidi, ang IRGC Commander; ali Abdollahi , hepe ngKhatemolanbia Central Headquarters; Sa’id Aghajani ang IRGC Aerospace Force UAV Commander; Hamidreza Lashgarian, IRGC Cyber Electronic Command Chief at Majid Khademi ang Intelligence Office Commander.

Ang nasabing mga indibidwal aniya ay nasa likod ng pagpapakalat ng iba’t-ibang terorism activities sa mundo.

Naniniwala ang US na kapag maaresto na ang nasabing mga indibidwal ay tuluyan ng mababawasan ang paglaganap ng terorismo sa bansa.

---

Inihayag ng Syria na inaasahan nitong muling magpapatuloy ang negosasyon sa Israel para sa isang security deal na layong mapaalis ang mga puwersang Israeli sa kanilang teritoryo.

Hinimok ni Syrian Foreign Minister Asaad al-Shaibani ang Israel na samantalahin ang pagkakataong ito para sa diplomasya, ngunit iginiit na pangunahing prayoridad muna ng Damascus ang pagpapatigil sa mga pag-atake ng Tel Aviv.

Kasalukuyang nagpapatupad ng presensya ang puwersa ng Israel sa timog-kanlurang bahagi ng bansa kasunod ng pagbagsak ng rehimeng Assad noong 2024.

Lalo pang tumindi ang tensiyon nang bombahin kamakailan ng militar ng Israel ang Abu al-Duhur airbase dahil sa alegasyong gagamitin ito ng Turkey, bagay na mariing itinanggi ng pamahalaang Syrian.

Ayon kay Shaibani, bagama’t napagkasunduan na dati ang pagtatatag ng mga buffer zone sa ilalim ng United Nations, tila umiiwas ang Israel na tuparin ang kasunduan.

Sa kabila ng kawalan ng tiwala sa Israel, umaasa pa rin ang Damascus na magbubunga ang panggigipit ng Estados Unidos upang maibalik ang magkabilang panig sa pormal na pag-uusap.