Skip to content

August 20 - 8 am NEWS

August 20 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Aug 20, 2026 | 10:23 AM

Pinaikli na nag araw ng gagawing taunang joint military drills ng South Korea at US.

Ayon sa South Korean defense ministry, na gagawin na lamang itong anim na araw base na rin sa hiling ng US.

Ang 2026 Ulchi Freedom Shield exercise ay gaganapin na lamang mula Agosto 21 hanggang 27 gaya n rin ng hiling ng White House.

Sinabi naman ni South Korean Foreign Minister Cho Hyun na sumang-ayon na lamang sila ukol sa nasabing plano.

Hindi naman sinabi nito na ang maaring dahilan ay ang pagkontra ng South Korea sa desisyon ng US na giyerahin ang Iran.

Magugunitang inihayag din ni US President Donald Trump na nakatakdang makapulong niya si North Korean leader Kim Jong Un sa mga susunod na buwan.

---

Mahigit 100 katao ang nasawi matapos gumuho ang isang artisanal gold mine sa Zamboye, western Central African Republic.

Nangyari ang insidente nitong Martes habang maraming minero ang nagtatrabaho sa minahan.

Ayon sa mga lokal na opisyal, patuloy pa ang operasyon para hanapin ang mga nawawala at posibleng nakabaon ang mga ito sa gumuhong minahan.

May ilang survivors ding nagtamo ng malubhang pinsala.

Hindi pa pinal ang bilang ng mga nasawi dahil nagpapatuloy pa ang rescue at recovery operations.

Karaniwan ang ganitong uri ng aksidente sa artisanal mining sa Central African Republic dahil sa kakulangan ng regulasyon, kagamitan at mga safety measures sa maliliit na minahan.

---

Planong bumalik sa United Kingdom sina Duke at Duchess of Sussex.

Sinabi ng mag-asawang Pince Harry at Meghan na sila ay maninirahan sa isang private at non-royal residence sa London.

Magsisimula kasi sa buwan ng Setyembre sa British school ang pasok sa paaralan ng mga anak ng dalawa na sina Prince Archie, pitong taong gulang at Princess Lilibet na limang taong gulang.

Nabigyan naman ng impormasyon si King Charles ukol sa plano ng anak maging sina Prince William at Princess Catherine ay nabigyan na rin ng impormasyon ukol sa plano.

Wala namang plano kung magbabalik sa kanilang trabaho sa Royal family ang dalawa.

Noong Hulyo ay binisita ng dalawa kasama ang kanilang anak si King Charles sa Highgrove.

Lumipat sa California ang mag-asawa noong 2020 kung saan umalis din sila sa kanilang royal duties.