Inanunsiyo ni US President Donald Trump ang pag-antala nito ng pagpataw ng panibagong taripa sa ilang produkto ng Canada.
Sinabi nito na nagkaroon ng kasunduan ang US at Canada kaya hindi muna nito ipapatupad ang nasabing pagpataw ng taripa.
Magsisimula sana ang pagpapataw ng taripa ngayong Agosto 20.
Mayroon sanang ipapataw na 50 percent na taripa ang US sa mahigit na $20 bilyon na Canadian imports.
Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang US at Canada sa ilang isyu gaya sa pagpataw ng US ng taripa sa mga sasakyan.
Habang ipinagbabawal ng Canada sa ilang probinsiya nila ang pagbebenta ng mga alak na galing sa US.
---
Bahagyang tumaas ang pandaigdigang presyo ng langis sa ikatlong sunod na araw dahil sa nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, na nagpalala sa posibleng matagal na pagkaantala ng suplay ng enerhiya.
Tumaas ng 20 sentimos o 0.22% ang Brent crude futures sa $91.07 kada bariles, habang umakyat naman ng 49 sentimos o 0.58% ang US West Texas Intermediate o WTI sa $84.99 kada bariles.
Ayon sa mga analyst, patuloy na sinusuportahan ng tensyon sa Middle East ang pagtaas ng presyo ng langis, partikular ang pagbagal ng operasyon sa Strait of Hormuz, isang mahalagang daanan ng pandaigdigang suplay ng langis at liquefied natural gas.
Sinabi ng Iran na mananatiling sarado ang Strait of Hormuz hangga’t hindi tinutupad ng Amerika ang mga kondisyon sa interim agreement na nilagdaan noong Hunyo.
Kabilang dito ang pagtigil sa mga operasyong militar at iba pang kahilingan ng Tehran.
Samantala, sinabi ni U.S. President Donald Trump na paso na ang ginanap na pag-uusap sa pagitan ng Washington at Tehran, habang iginiit niyang bukas ang Strait of Hormuz sa kabila ng limitadong pagdaan ng mga barko.
Dahil dito, nagbabala ang mga analyst na maaaring manatiling mataas ang presyo ng langis sa mga susunod na buwan kung hindi agad mareresolba ang tensyon sa Strait of Hormuz.
Samantala, nagpatuloy ang labanan sa ibang bahagi ng Middle East matapos atakihin ng Iran-backed Houthi group ang ilang barko sa Red Sea.