Skip to content

August 19 - 7 am NEWS

August 19 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Aug 19, 2026 | 9:28 AM

Hindi umano dapat isi¬pin na tinalikuran ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga Pilipinong sinalanta ng baha dahil lamang sa kanyang birthday post na nag-anunsyo ng isang linggong “birthday sabbatical.”

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, naiintindihan nila ang mga bumatikos sa timing o paraan ng pagkakasulat ng post, pero hindi umano ibig sabihin nito na tumigil na sa pagtulong ang First Lady.

“Karapatan ng bawat isa na magkaroon ng sariling opinyon at ito naman po ay mahalaga at pinakikinggan ni First Lady,” ani Castro.

Sinabi ni Castro na bago pa man duma¬ting ang malakas na ulan ay abala na si Liza sa pagtulong sa mga nanga¬ngailangan, kabilang ang pamamahagi ng rice assistance sa mga senior citizen sa Negros Occidental, at mga programa sa ilalim ng “LAB for All.”

“Hindi naman nagkukulang ang ating First Lady sa kanyang tulong. Hindi n’yo man siya nakikita madalas pero behind the scene, alam natin kung ano ang ginagawa ni First Lady at katuwang siya ng ating Pangulo,” sabi niya. (Prince Golez)

---

Sinuportahan ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes ang plano ng Philippine Air Force (PAF) Reserve Command na repasuhin at patibayin ang mga patakaran nito sa pagkakaloob ng mga para¬ngal at honorary badge sa mga reservist, kasunod ng kontrobersiya hinggil sa mga military decoration na suot ni dating Rep. Michael “Mikee” Romero, na may ranggong brigadier general sa PAF Reserve.

“Behind every ribbon pinned on a soldier’s uniform represents a medal. Every medal has a unique story about heroism, valor, courage and bravery, or an outstanding feat even outside the combat zone,” sabi ni Lacson, na nagsilbi sa Philippine Constabulary, sa isang post sa X.

Inamin naman ni Lacson, isang miyembro ng Commission on Appointments (CA), hindi niya nasilip ang mga ribbon ni Romero sa panahon ng kumpirmasyon ng CA sa 38 opisyal ng militar, kabilang si Romero, noong nakaraang linggo.

“My bad. Being a member of the Commission on Appointments, I failed to notice and seek clarification on ex-Cong Romero’s ribbons pinned on his military uniform during his confirmation along with 37 others last week,” aniya.

---

Walang inilaang pondo sa 2027 National Expenditure Program (NEP) ang Pax Silica Initiatives.

Ito ang kinumpirma ng mga economic manager ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagdinig ng House committee on appropriations sa 2027 NEP na nagkakahalaga ng P7.2 trilyon.

Sa pagtatanong ni Gabriela party-list Rep. Sarah Elago, sinabi ni Department of Finance (DOF) Secretary Frederick Go na walang pondong inilagay sa anumang ahensiya ng gobyerno para sa nasabing inisyatiba.

“To my knowledge, nothing, but you should confirm with the DICT po. But I don’t think. Mam, can I just clarify? This industrial hub is a proposed industrial hub so, one thing’s for sure there’s nothing in the budget that will spend for this proposed industrial hub because nothing has been signed. So, it’s still a discussion,” sagot ni Go.

Ang Pax Silica ay inis¬yatiba sa pagitan ng Pilipinas at United States (US) para sa pagtatayo ng mga AI manufactu¬ring hub sa may 1,600 ektaryang lupain sa New Clark City.

Base sa mga report, isasapinal ang Pax Silica Initiatives pagdating ni US President Donald Trump sa Pilipinas na dadalo sa Southeast Asian Nation (ASEAN) summit na isasagawa sa bansa. (Bernard Taguinod)