Target ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology-7 na maibaba sa 260 percent ang jail congestion rate sa Central Visayas pagsapit ng Disyembre 2026, mula sa kasalukuyang 280 percent.
Inaasahan pa ng kawanihan na lalo pang bababa ang congestion rate kapag natapos ang mga kasalukuyang construction projects.
Ayon kay JSupt. Castle Masip, Regional Chief of Directorial Staff ng BJMP-7, na kasama rin sa hakbang ang agarang paglipat ng mga sentenced prisoners sa Bureau of Corrections o BuCor.
Para sa Central Visayas, kabilang sa paglilipatan ang mga pasilidad sa Leyte.
Hinimok naman ni Masip ang mga jail warden na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa mga hakbang na makababawas sa siksikan sa mga pasilidad.
***
Kinumpirma ng hostile witness na si dating Office of the Vice President Special Disbursing Officer Gina Acosta sa kaniyang opisyal na testimonya na si VP Sara Duterte ang nag-utos sa kaniya na ibigay ang P125 milyong confidential funds kay Col. Raymund Dante Lachica.
Ginawa ni Acosta ang rebelasyong ito sa harap ng Senate Impeachment Court sa ika-16 na araw ng impeachment trial ni VP Sara.
Sinabi ni Acosta sa kaniyang testimonya na matapos niyang ma-encash o maipalit ang tseke ng confidential funds, tinawagan niya agad si Col. Lachica.
Si Col. Lachica ang pinuno noon ng Vice Presidential Security and Protection Group.