Skip to content

August 13 - 8 am NEWS

August 13 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Aug 13, 2026 | 9:46 AM

Inihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na kung ibebenta ng United States ang 10% ng kanilang mga “Patriot interceptor missile,” masisira ng Ukraine ang lahat ng “ballistic missile” ng Russia.

Sa isang panayam, sinabi ni Zelensky na humihiling siya ngayong taon sa kanilang US partners na ibenta sa kanila ang 5% ng mga missile na mayroon sila sa kanilang mga weapon storage.

Aniya, kung ibebenta sa kanila ang 5% ng interceptor missile, makatatawid sila sa taglamig at makapagliligtas ng mga buhay ng tao.

Subalit kung maibebenta sa kanila ang 10%, wawasakin nila ang lahat ng ballistic missiles ng Russia.

Ang hinihingi ni Zelensky ay mga interceptor missile para sa Patriot air defense system. Ito ay isang uri ng mabisang panangga sa himpapawid. Ginagamit ito para itumba o barilin ang mga dumarating na bomba o missile ng kaaway bago pa man ito bumagsak sa lupa.

Sa kasalukuyan, 1% pa lamang ng kabuuang suplay ang hawak ng Ukraine, kaya patuloy silang nahihirapan laban sa mga pag-atake ng Russia.

---

Nagbabala si retired Gen. Jack Keane na posibleng mas maging agresibo ang Iran sa mga darating na araw sa pagpasok ng bagong yugto ng tensyon.

Ayon kay Keane, iniisip marahil ng Tehran na mag-aatubili si US Pres. Donald Trump na maglunsad ng aksyong militar bago ang nalalapit na midterm elections sa Estados Unidos.

Iginiit naman ng dating heneral na muling nagkakamali ang Iran dahil may sapat at nakahandang kakayahan ang militar ng Amerika sa rehiyon upang tuluyang supilin ang bansa kung magdedesisyon ang pangulo.

Lumabas ang babalang ito matapos ihayag ni Trump na may “total control” ang U.S. sa Strait of Hormuz habang nananatiling walang kasunduan ang dalawang bansa sa pagbubukas ng kritikal na daanan ng barko.

Samantala, pinalagyan naman ng isang Iranian source na walang nagaganap na negosasyon para palawigin ang kasunduan noong Hunyo habang mabilis na lumalapit ang Agosto 17 deadline.