Skip to content

August 12 - 7 am NEWS

August 12 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Aug 12, 2026 | 12:45 PM

Nanindigan si House Committee on Appropriations Chairperson Rep. Mikaela Suansing na hindi naglalaman ng insertions o pork barrel ang pambansang pondo ngayong 2026 maging ang panukalang pondo para sa susunod na taon.
Iginiit ng mambabatas na naging “transparent” ang kanilang mga isinagawang deliberasyon sa pambansang pondo para ngayong taon. Ipinakita rin aniya ang lahat ng mga ipinasok na institutional amendments sa pondo.
Pagdating naman sa panukalang pondo para sa 2027, ipinaliwanag ni Rep. Suansing na ang pagbalangkas ng NEP ay nasa hurisdiksiyon lamang ng ehekutibo.
Kaugnay nito, mariin niyang itinanggi ang alegasyong may naisamang pork barrel o insertions sa panukalang pondo dahil sa puntong ito, hindi pa nakikita at nabubusisi ng Kongreso ang nilalaman ng NEP.

***
Inamin ng testigo ng prosekusyon na si Xylene Del Campo na base sa kaniyang sariling interpretasyon na dapat may “mahuli” bilang proof of success para sa payment of rewards mula sa confidential fund.
Ito ang tugon ng testigo nang tanungin ni Presiding Officer Francis Escudero kung sarili niyang interpretasyon at hindi nakasaad sa joint circular, na dapat may mahuli para sa payment of rewards.
Ang tinutukoy na circular ni Escudero ay ang Joint Circular 2015-01 na nagsisilbing opisyal na gabay para sa paggasta at pag-audit ng Confidential at Intelligence Fund ng pamahalaan.
Ipinaliwanag din ni Del Campo nang tanungin ng presiding officer na ang pinagbasehan niya dito ay ang iba niyang na-audit na mayroong naka-attach na dokumento ng payment of rewards na nagpapatunay na may nahuli.

***

Dismayado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mala-dagat ng basura na naipon sa isang ilog sa Parañaque City na isa sa dahilan ng matinding pagbaha sa lungsod noong nakalipas na araw.

Sinabi ng Pangulo na dahil sa mga basura na sinabayan ng high tide ay hindi nakadaloy nang maayos ang tubig na naging dahilan para tumaas ang baha sa lugar.

Dahil dito, nanawagan ang Presidente sa mga lokal na opisyal at residente na magtulungan at maging responsable upang hindi bumalik sa mga pamayanan ang mga itinapong mga basura.

“Nakita n’yo ‘yung mga picture na punong-puno ‘yung kanal, punong-puno ng basura na hindi naman galing sa Parañaque, galing sa ibang lugar ‘yun. Pero dahil nabuksan na ‘yung ating mga kanal, lahat doon napasok, nasabayan pa ng high tide kaya naipit ‘yung mga basura roon,” wika ng Pangulo.

“Nananawagan kami sa lahat ng involved, ang ating mga local government unit, ang ating lahat ng mamamayang Pilipino, mag-ingat po kayo dahil ang laking pinsala ang nangyayari kapag ‘yung basura natin ay hindi maganda ang pagtapon at dahil kung saan-saan na lang nilalagay,” giit ni Marcos.

Isa sa alterantibong tini¬tingnan ng administrasyon aniya ay ituloy ang waste to energy program kung saan ipoproseso ang mga basura at gawing kuryente.

“Kami naman dito sa pamahalaan ay itutuloy na natin ‘yung waste-to-energy na program. Iyon ‘yung kinukuha ‘yung basura at ito ay pino-process at ginagawang kuryente. Napakalaking bagay niyan pagka natapos na natin, sandali lang siguro ‘yan kasi understood techno¬logy na ‘yan,” dugtong pa niya.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na marami pang gagawin kaya magtutuloy-tuloy ang dredging upang hindi maipon ang tubig sa mga daluyan upang maiwasan ang problema sa baha. (Aileen Taliping/Prince Golez)