Skip to content

April 9 - 8 am NEWS

April 9 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Apr 09, 2026 | 9:44 AM

Nagbabala si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na patuloy ang kanilang pag-atake sa Hezbollah hanggang sa kinakailangan.

Ang nasabing pahayag ay kasunod na ceasefire agreement sa pagitan ng US at Israel.

Una ng sinabi nito na hindi kasama sa ceasefire ang Lebanon subalit sinabi ng Iran na patuloy ang pag-atake ng Israel sa Iran.

Muling iginiit nito na ang sinumang aatake sa sibilyan ng Israel ay hindi sila magdadalawang isip na gumanti.

--

Ipinag-utos ni Tanzanian President Samia Suluhu Hassan nitong Huwebes (araw sa Pilipinas) na ang lahat ng opisyal ng gobyerno ay babiyahe na lamang sa i-isang bus nang kanilang official travel upang mabawasan ang konsumo ng gasolina, kasunod ng kakulangan ng suplay sanhi ng digmaan sa Gitnang Silangan.

Ayon sa energy regulator ng bansa, tumaas ang presyo ng gasolina ng halos 1/3 mula noong buwan ng Marso.

Nabatid na karaniwan, ang entourage ng pangulo ay binubuo ng higit sa 30 sasakyan, kabilang ang mga luxury SUV at police outriders, na madalas nagdudulot ng matinding trapiko.

“From now on, wherever I go, all officials will travel together in one bus… to cut fuel consumption,” ani Hassan.

Magugunitang ang kakulangan sa langis ay dulot ng pagsasara ng Strait of Hormuz ng Iran, kung saan dumadaan ang 20% ng langis at gas sa buong mundo.

Bunsod nito, ilang bansa, kabilang ang Ethiopia, ay nagpatupad narin ng priyoridad sa pagbibigay ng gasolina sa mga sasakyang nagdadala ng mahahalagang kalakal at pampublikong transportasyon.

---

Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump noong Miyerkules (araw sa Amerika) na ang mga import mula sa mga bansang nagbibigay ng military weapons sa Iran ay kanilang papatawan ng 50% taripa, nang walang exception.

“A Country supplying Military Weapons to Iran will be immediately tariffed, on any and all goods sold to the United States of America, 50%, effective immediately. There will be no exclusions or exemptions!” ani Trump.

Ginawa ni Trump ang anunsyo sa kanyang Truth Social ilang oras matapos ang kasunduan sa dalawang linggong ceasefire sa Tehran.

Hindi tinukoy ni Trump kung aling legal authority ang kanyang gagamitin upang ipatupad ang taripa, matapos tanggalin ng Supreme Court of the United States noong Pebrero ang paggamit niya ng International Emergency Economic Powers Act (IEEPA) para magpataw ng malawakang global tariffs.


Dahil dito, iniutos ng mas mababang korte ang refund sa halagang humigit-kumulang $166 billion na nakolekta ng bansa sa loob ng isang taon.

Ang IEEPA law ay ginagamit na simula noong 1977 upang suportahan ang mga financial sanctions laban sa Iran, Russia, at North Korea, ngunit tinukoy ng korte na lumampas si Trump sa paggamit nito para sa trade tariffs.

Hindi rin tinukoy ng Amerika ang mga bansang posibleng patawan ng taripa, ngunit kilalang tumutulong ang China at Russia sa Iran sa pagpapalakas ng military capability nito, kabilang ang mga missile, air-defense systems, at teknolohiya para sa kanilang depensa laban sa U.S. at Israel.