Skip to content

April 9 - 6 am NEWS

April 9 - 6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Apr 09, 2026 | 7:49 AM

Nanindigan si Donald Trump na mananatili ang militar ng Estados Unidos sa loob at paligid ng Iran, kasabay ng babala na muling magsasagawa ng pag-atake kung hindi masusunod ang kasunduan.

Sa isang post sa Truth Social nitong Huwebes ng tanghali (oras sa Pilipinas), sinabi ni Trump na “All US Ships, Aircraft, and Military Personnel, with additional Ammunition, Weaponry and anything else that is appropriate and necessary for the lethal prosecution and destruction… will remain in place in, and around, Iran, until such time as the REAL AGREEMENT reached is fully complied with.”

Dagdag pa niya, “If for any reason it is not, which is highly unlikely, then the ‘Shootin’ Starts,’ bigger, and better, and stronger than anyone has ever seen before.”

Nauna nang sinabi ng Iran na “hindi makatuwiran” na ipagpatuloy ang negosasyon para sa permanenteng kasunduan sa kapayapaan matapos ang pag-atake ng Israel sa Lebanon noong Miyerkoles, na ikinasawi umano ng daan-daang katao.

Magkasalungat naman ang pahayag ng dalawang panig hinggil sa nuclear program ng Iran.

Ayon kay Trump, pumayag ang Iran na ihinto ang pagpapayaman ng uranium. Gayunman, sinabi ni Mohammad Bagher Ghalibaf na pinapayagan ang bansa na ipagpatuloy ito sa ilalim ng mga tuntunin ng tigil-putukan.