Sa isang address sa U.S. Congress, muling pinagtibay ni Britain King Charles III ang alyansa ng United Kingdom at Estados Unidos na “more important than ever.”
Hindi rin aniya kayang harapin ng iisang bansa lamang ang mga suliraning kinakaharap ng mundo.
Ipinahayag din ng Hari ang “highest regard and friendship” ng U.K. sa U.S., at binalikan ang makasaysayang talumpati ng kanyang ina na si Queen Elizabeth II sa parehong address noong 1991.
Nakasentro ang address ni King Charles III sa pinagsamang British humor, kasaysayan, at pananaw sa mga hinaharap na problema ng mundo na madalas sinasabayan ng palakpakan at standing ovation mula sa mga mambabatas.
Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, sinabi ni King Charles na “America’s words carry weight and meaning,” na nagdulot ng halo-halong reaksyon mula sa mga audience.
Bago ang talumpati, nagkaroon din ng pagpupulong ang Hari kay U.S. President Donald Trump sa Oval Office, kasunod ng pagdating ng royal couple sa White House para sa kanilang state visit.
Mainit na tinanggap sina King Charles at Queen Camilla sa isang seremonya kung saan nakitang nagkamay at Itinalaga ng International Criminal Court (ICC) si Judge Joanna Korner bilang presiding judge ng Trial Chamber III na hahawak sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kanyang kampanya kontra ilegal na droga.
Sa isang dokumentong may petsang Abril 29, kinumpirma ng ICC Trial Chamber III na si Korner ang napiling mamuno sa tatlong-Judges panel.
Ang desisyon ay ginawa ilang araw matapos buuin ng ICC Presidency ang naturang trial chamber noong Abril 24.
Ang Trial Chamber III ay binubuo nina Korner, Judge Keebong Paek, at Judge Nicolas Guillou, at ito ay pormal na binuo noong Abril 24 ng ICC Presidency upang dinggin ang kaso laban sa dating pangulo.
***
Kampante si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na makakakuha ng 1/3 votes ng mga miyembro ng Kamara de Representantes ang articles of impeachment laban kay VP Sara Duterte.
Ito ay upang mapagtibay at maiakyat sa Senado ang impeachment complaint at tuluyan nang masisimulan ang trial.
Ayon kay de Lima, solido ang mga ebidensiyang iprinisenta sa mga serye ng pagdinig ng justice panel, mula pa noong day 1.
Maliban dito, malaking suporta na rin aniya ang 53-0 o 53 committee members na nainiwalang may probable cause sa para ituloy sa trial ang kaso.
**
Nakataas na sa full alert status mula sa dating heightened alert ang Philippine National Police (PNP) bilang obserbasyon ng Araw ng Paggawa o Labor Day sa Mayo Uno.
Ayon kay PBGen. Randulf Tuaño, ang tagapagsalita ng PNP, na sa ilalim ng full alert status ay ipapatupad nila ang suspensyon ng mga leaves, pinaigting na police visibility, pagpapakalat ng mga kapulisan at activation ng mga support forces ganun din ang mandatory coordination sa mga iba’t-ibang ahensiya.
Paglilinaw nito na wala pa silang anumang banta ng seguridad silang natatangap subalit mahigpit ang kanilang pagbabantay o monitoring.
Nasa mahigit 100,000 na mga kapulisan ang ipapakalat kung saan karamihan dito ay sa National Capital Region dahil dito ang may maraming aktibidad sa araw ng paggawa.
nagngitian ang mga opisyal ng dalawang bansa.
--
Pumalo na sa 15 katao ang mga nasawi sa banggaan ng tren malapit sa Jakarta, Indonesia, na halos lahat ay puro kababaihan ayon sa mga awtoridad.
Naganap ang insidente noong Lunes sa Bekasi Timur Station nang bumangga umano ang isang long-distance train sa likurang bahagi ng nakahintong commuter train.
Ang nasabing bagon ay nakalaan para sa mga babaeng pasahero na nagbibigay ng espasyo kontra harassment.
Umabot sa 88 ang sugatan na agad dinala sa iba’t ibang ospital para gamutin, habang ang mga nasawi ay isinailalim sa proseso ng pagkakakilanlan.
Ayon sa state-owned railway operator PT Kereta Api Indonesia, ligtas naman ang 240 pasahero ng long-distance train na sangkot sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad, kabilang ang Indonesian police at ang National Transportation Safety Committee, upang matukoy ang eksaktong sanhi ng aksidente.
Kaugnay nito kinumpirma naman ng National Search and Rescue Agency (Indonesia) na natapos na ang rescue operation at wala nang nadagdag pang biktima.
Aminado ang mga awtoridad na madalas ang mga aksidente sa lumang railway system ng Indonesia kung saan noong Enero 2024, isa ring train collision sa West Java ang nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa apat na tao.