Skip to content

April 28 - 6 am NEWS

April 28 - 6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Apr 28, 2026 | 7:49 AM

Magsasagawa ng malawakang kilos protesta sa araw ng Paggaw o Labor Day sa Mayo 1 ang grupong Kilusang Mayo Uno (KMU).
Ayon kay KMU chairman Jerome Adonis, na kasama nila ang Bagong Alyansang Makabayan na siyang magsasagawa ng kilos protesta mula Espana Boulevard patungo sa Mendiola sa Manila.
Bukod pa dito ay isasagawa din ang kilos protesta sa buong Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Negros,Cebu, Panay at Davao.
Panawagan ng grupo ang pagtaas ng sahod, pagbaba ng presyo ng mga bilihin at ang sapat na subsidiya mula sa gobyerno dahil sa nararanasang krisis sa enerhiya.
Dagdag pa nito na ipaparating nila ang galit sa Malacañang dahil ang gobyerno ay siyang pumapatay sa mambabatas dahil sa mababang pasahod.


***

Upang maiwasan ang anumang sakuna sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon, tuluyan nang ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang agarang pagpapatigil sa operasyon ng lahat ng mga open at controlled dumpsites sa buong Pilipinas.
Batay sa memorandum na inilabas ni DENR OIC Assistant Secretary for Environment at concurrent Environmental Management Bureau (EMB) Director Jacqueline Caancan, direktang inatasan ang lahat ng EMB regional offices na tutukan ang naturang kautusan upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko at ang kalikasan.
Kasabay ng pagpapasara, binigyan din ng ahensya ng labinlimang (15) araw na ultimatum ang mga operator ng mga sanitary landfill upang magsumite ng kani-kanilang contingency plan.

**

Natuklasan ng mga awtoridad ang mga bombang hinihinalang mula pa noong World War II sa loob ng taxiway area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa PNP, natagpuan ang mga naturang bomba noong Abril 26 matapos makatanggap ng ulat na may nahukay na posibleng ‘explosives’ sa lugar.
Sa paunang operasyon, anim na 50-pound general-purpose bombs ang narekober ng Aviation Security Group (Avsecu) Explosives Ordnance Disposal at K9 Unit.
Sa mas malawak pang clearing operation, nadagdagan ito ng apat pang 50-pound bombs at 18 na 25-pound bombs.
Nilinaw ng mga awtoridad na ang lahat ng narekober na materyales ay inert na o wala nang aktibong explosive capability, kaya hindi na ito nagdudulot ng panganib.