Skip to content

April 23 - 6 am NEWS

April 23 - 6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Apr 23, 2026 | 7:47 AM

Kinumpirma ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I ang lahat ng kasong isinampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kaugnay ng umano’y crimes against humanity of murder na naganap sa ilalim ng kampanya kontra droga.
Ayon sa ICC, sapat ang ebidensiyang iniharap ng Office of the Prosecutor upang ituloy ang paglilitis. Kabilang sa mga kasong kinumpirma ang tatlong bilang ng crimes against humanity, na tumutukoy sa 78 biktima ng extrajudicial killings sa Pilipinas.
Matapos ang desisyon, pormal nang isinusulong ang paglilitis kay Duterte sa The Hague, Netherlands. Ang hakbang na ito ay kasunod ng naunang ruling ng Appeals Chamber na nagpapatibay sa hurisdiksiyon ng ICC sa mga krimeng naganap bago pa man umatras ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019.

**

***
Pinuna ni Vice President Sara Duterte ang Office of the President of the Philippines dahil sa umano’y late na paglalabas ng kanyang travel authority, na aniya’y nakaapekto sa kanyang biyahe.
Ayon kay Duterte, nagdulot ng pag-aalinlangan kung papayagan siyang bumiyahe kaya’t binago niya ang travel plans. Kinumpirma ng Malacañang na inaprubahan ang kanyang travel authority noong Abril 22 para sa paglalakbay sa ilang bansa.
Hiniling niya sa Palasyo na mas maagap na iproseso ang mga susunod na travel request upang maiwasan ang aberya sa preparasyon. Dagdag niya,