Binasag na ni Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang kaniyang katahimikan ukol sa pagdawit sa kaniya sa mga anomalya ng flood control projects at kurapsyon.
Sinabi nito na naging matindi na ang pagbatikos sa kaniya kaya minabuti niya na magsalita.
Giit nito na handa nitong harapin ang lahat ng anumang kaso na ibinbato sa kaniya.
Giniit nito na mayroong mga grupo na sisira sa kaniyang imahe kung saan hindi siya papayag na maging ‘escape goat’ lamang siya para sa interest ng iba.
Magugunitang hindi pinayagan ng Office of the Ombudsman si Romualdez na bumiyahe sa Singapore para sa kaniyang medical checkups.
Hiniling din ni Ombudsman Jesus Remulla sa Anti-Money Laundering Council na ipa-freeze ang mga ari-arian ni Romualdez dahil sa pagkakadawit sa kaniya sa mga kurapsyon.
**
Nanindigan ang pamilya Villar na wala silang ginawang mali ang mga ito sa kabila ng mga reklamong kinakaharap sa Department of Justice.
Matapos ang isinagawang preliminary investigation ukol sa mga reklamo, iginiit ni Atty. Robel Lomibao, abogado ng mga Villar at kumpanya nito na walang nilabag sa batas ang kanyang mga kliyente.
Aniya’y ang kanilang pagdalo sa naganap na pagdinig ng prosekusyon ay layon linisin at pabulaanan ang mga alegasyon at paratang ibinabato sa mga Villar.
Kung maaalala, naghain ng reklamong market manipulatuon, insider trading at misleading disclosures ang Securities and Exchange Commission sa kagawaran.
Laban ito kina former Senators Manny at Cynthia Villar, Senators Mark at Camille Villar, Villar Land Holdings and Corporation at iba pa.
Kaugnay nito’y kanyang ibinahagi na panalangin at umaasa ang kampo ng mga Villar na tuluyang ibabasura na lamang ng prosekusyon ang mga reklamo.