Skip to content

April 2 - 8 am NEWS

April 2 - 8 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Apr 02, 2026 | 8:30 AM

Nanawagan si Mamamayang Liberal  Party-list Rep. Leila de Lima na palawakin at palakasin ang service contracting program para sa pampublikong transportasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na kita ng mga drayber at maayos na serbisyo sa mga commuter sa gitna ng pagtaas ng presyo ng krudo.

Sa House Resolution No. 913, hinikayat ni De Lima ang DILG, DOTr, at LTFRB na pag-aralan ang programa, tugunan ang kakulangan sa implementasyon, at ayusin ang mga operational na hamon.

Layunin din nitong masigurong inklusibo ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng transportasyon at maipatupad ito nang epektibo sa buong bansa.

***

Magpapatupad narin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board  ng apat na araw na work week simula Lunes, Abril 6, 2026, bilang bahagi ng energy-saving policy ng gobyerno.

Ayon sa advisory ng ahensya, ang compressed work week ay alinsunod sa Memorandum Circular 114 na inilabas ng Malacañang noong Marso 6 upang makatipid sa enerhiya sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Magbubukas ang opisina ng LTFRB mula Lunes hanggang Huwebes, 7 a.m. hanggang 6 p.m., at walang trabaho ang mga empleyado tuwing Biyernes.

Gayunpaman, ang mga gaya ng transportation inspectors, 24/7 hotline team, ay patuloy parin daw na maghatid ng serbisyo, at iba pang katulad na posisyon ay magpapatuloy sa limang araw na work week upang hindi maantala ang serbisyo publiko.

**

Nanawagan si José Cardinal Advincula sa mga mananampalataya ngayong Huwebes Santo na isabuhay ang kababaang-loob at malasakit sa kapwa sa gitna ng umiiral na mga sigalot sa buong mundo.

Sa Misa ng Huling Hapunan sa Manila Cathedral, sinabi niyang ang mga Katoliko ay dapat maging instrumento ng mabuting balita, tulay ng habag, at liwanag sa gitna ng karahasan.

Binigyang-diin niya na ang “sandata” ng mga mananampalataya ay hindi dahas kundi ang salita ng Diyos na nagbibigay-buhay at nagtuturo ng tunay na pakikipagkapwa.