Skip to content

April 2 - 7am NEWS

April 2 - 7am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Apr 02, 2026 | 7:30 AM

Ipinahayag ni Iranian Ambassador to the Philippines Yousef Esmaeilzadeh ang kahandaan ng Iran na tumulong sa Pilipinas, kasabay ng hiling ng pamahalaan na italaga ang bansa bilang “non-hostile” upang matiyak ang ligtas na paglalayag ng mga barkong may bandilang Pilipino at suplay ng langis.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, ginawa ang pahayag ng embahador sa pulong kasama sina Maria Theresa Lazaro at Sharon Garin.

Inilarawan ni Castro ang pagpupulong bilang mainit at bukas, na nagpapakita ng kahandaan ng Iran na makipagtulungan.

Hiniling ni Lazaro na pormal na kilalanin ang Pilipinas bilang “non-hostile country” at tiyakin ang ligtas na pagdaan ng mga barko at oil shipments mahalaga para sa seguridad ng mga seafarer at suplay ng enerhiya ng bansa.

Inaayos na rin ng Department of Energy ang mga detalye upang agad itong maipadala sa diplomatic channels, habang inaasahan na makakausap ni Lazaro ang Iranian Foreign Minister upang matiyak ang kasunduan sa pinakamataas na antas.

Agad namang iniulat nina Lazaro at Garin ang usapin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

**

Nakakaranas ngayon ng epekto ang mga maliliit na negosyante sa bansa dahil sa krisis Gitnang Silangan.

Ayon sa Employers Confederation of the Philippines na may ilang mga negosyo ang hirap ng makapagpatuloy ng kanilang negosyo dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi pa ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., 90 porsyento sa mga negosyo sa bansa ay micro kung saan dumadaing na sila at humihirit ng ayuda.

Umaasa ang mga ito na mapabilang din ang mga ito sa mga ayuda na ibinabahagi ng gobyerno.