Ipinaalala ng Department of Labor and Employment o DOLE sa lahat ng employers ang tamang pasahod sa regular at special non-working hplidays ngayong buwan ng Abril.
Ito ay alinsunod sa inilabas na advisory ng ahensiya para sa Huwebes Santo, Abril 2, Biyernes Santo, Abril 3, at Araw ng Kagitingan sa Abril 9, na lahat ay idineklara bilang regular holidays gayundin ang Sabado de Gloria o Black Saturday sa Abril 4, na idineklara bilang special non-working holiday.
Binigyang-diin ng DOLE na dapat sundin ng mga employer ang mga panuntunan sa pasahod sa regular holidays, kung saan ang mga empleyadong papasok sa araw na ito ay dapat makatanggap ng double pay para sa unang walong oras, sa kondisyong pumasok o naka-leave of absence with pay isang araw bago ang regular holiday.
Kwalipikado ring makatanggap ang empleyado na hindi pumasok sa mismong regular holiday, sa kondisyong pumasok o naka-leave of absence with pay isang araw bago ang holiday.
***
Tuluyan nang inilabas ng Department of Energy ang mga bagong panuntunan upang sawatain ang hoarding ng mga produktong petrolyo sa gitna ng umiiral na State of National Energy Emergency sa bansa.
Ayon sa kagawaran, layunin ng direktiba na maiwasan ang artificial shortages at mapanatiling sapat ang suplay ng langis para sa mga Pilipino.
Kabilang sa mga mahigpit na hakbang ng ahensya ay ang pagpapataw ng pansamantalang limitasyon sa pagbili ng petrolyo kung kinakailangan, at ang mas mahigpit na regulasyon sa mga container-based transactions.
Paiigtingin din ang pagbabantay sa imbentaryo at distribusyon ng langis gamit ang Emergency Petroleum Monitoring System