Skip to content

April 16 - 6 am NEWS

April 16 - 6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Apr 16, 2026 | 7:46 AM

Dahil tanging ang mga mayayaman umano ang makikinabang, hindi isinama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang diesel at gasolina sa tinanggalan ng excise tax.

Ito ang paliwanag ni Department of Finance (DOF) Undersecretary Karlo Adriano sa joint hearing ng Legislative Energy Action and Deve¬lopment (LEAD) council na binubuo ng 13 komite na naghahanap ng solus¬yon sa problema sa epekto ng krisis sa langis.

Sa nasabing pagdinig, tinanong ni Deputy Speake¬r at Bacolod Rep. Albee Benitez ang DOF kung bakit tanging ang Liquified Petroleum Gas (LPG) at kerosene ang tinanggalan ng excise ng Pangulo.

Ayon kay Adriano, kaya LPG at kerosene lang ang tinanggalan ng excise tax ay dahil ito ang ginagamit ng mga karaniwang consumer kumpara sa diesel at gasolina na mga mayayaman ang customer.

Sinabi ni Adriano na sa diesel 66.4% dito ay ginagamit ng transport sector subalit 85% umano rito ay mula sa “three riches¬t deciles” kaya mayorya sa kumokunsumo nito ay ang tinagawag na “richest deciles”.

----

Muling binuhay ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ginawa nitong pagsaklolo sa mga borrower nu’ng pandemya kung saan binigyan nito ng pagpapaluwang sa mga bangko ngayong tumataas ang gastos ng mga tao at negosyo dahil sa energy emergency.

Nilagdaan ni BSP Governor Eli M. Remolona Jr. ang isang memorandum nitong April 14, 2026 na nagbibigay ng regulatory relief sa mga bangko at iba pang financial institutions na nasa ilalim ng superbisyon ng BSP kaugnay ng pagdeklara ng State of National Energy Emergency.

“In this context, the Bangko Sentral ng Pilipinas is extending appropriate regulatory relief to support banks and their clients in sustaining economic activity during the period of the energy emergency,” ani Remolona.

Sa ilalim ng relief package, maaaring bigyan ng BSP-supervised financial institutions ang mga apektadong borrower ng temporary grace period na hanggang anim na buwan sa pagbabayad ng utang. Ang mga agricultural borrower naman ay maaaring bigyan ng palugit na hanggang isang taon, depende sa assessment ng bangko.

Ayon sa BSP, ang mga pautang na sakop ng relief ay maaari ring pansamantalang hindi isama sa past-due at non-performing classifications nang hanggang isang taon, basta’t nasusunod ang reporting at notification rules. (Eileen Mencias)