Magpapatuloy ngayong linggo ang negosasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa Pakistan, sa kabila ng ipinatupad na port blockade ng U.S. laban sa Iran.
Ayon sa ulat, layunin ng pag-uusap na matalakay ang nuclear program ng Iran, ang umiiral na tigil-putukan, at ang pagbubukas ng Strait of Hormuz na kritikal sa pandaigdigang suplay ng langis.
Noong Abril 14, 2026, nagdeploy ang U.S. ng mahigit 10,000 sundalo, warships, at aircraft para sa blockade, na tinawag ng Tehran na “piracy.”
Nagbanta rin ang Iran ng pag-atake sa mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz.
***
Kinondena ni Italian Prime Minister Giorgia Meloni ang mga pahayag ni U.S. President Donald Trump laban kay Pope Leo na tinawag niyang “unacceptable,” kasabay ng pagtaas ng tensyon sa pagitan ng White House at Vatican.
Sa isang pahayag noong Lunes, sinabi ni Meloni na hindi dapat ginagawang target ng pagbatikos ang Santo Papa, na aniya ay pinuno ng Simbahang Katolika at may tungkuling magtaguyod ng kapayapaan at magpahayag laban sa digmaan.
Maalalang naging kontrobersyal ang mga pahayag ni Trump matapos niyang batikusin si Pope Leo XIV sa social media at sa ilang panayam, kung saan tinawag umano niya itong “weak on crime” at “terrible for foreign policy.".
**
Nakatakdang magbigay ng talumpati si British King Charles II sa joint meeting ng US Congress.
Ayon sa Buckingham Palace , na isa ito sa mga aktibidad ni King Charles sa kaniyang pagdalaw mula Abril 27 hanggang 30.
Bukod pa dito ay magsasagawa din ito ng pulong kay US President Donald Trump.Bibisita rin si King Charles at Queen Camilla sa Washington, DC; New York at Virginia.
Sasaksihan ni King Charles ang ika-250 anibersaryo ng US independence.