Skip to content

April 14 - 8 am NEWS

April 14 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Apr 14, 2026 | 10:14 AM

Sugatan ang 16 na katao matapos na pagbabarilin ng isang lalaki ang paaralan sa Turkey.

Walang habas na binaril ng 18-anyos na suspek ang isang vocational high school sa Siverek, Sanliurfa province gamit ang shotgun.

Matapos ang insidente ay nagtago ito sa isang bahagi ng gusali bago niya binaril ang sarili.

Ayon kay Governro Hasan Sildak, na ang mga sugatan ay kinabibilangan ng 10 mag-aaral, apat na guro, isang empleyado ng canteen at isang pulis.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa motibo ng suspek.

----

Ipinagtanggol ni Iranian President Masoud Pezeshkian si Pope Leo XIV matapos ang mga insulto at kontrobersyal na pahayag ni US President Donald Trump.

Tinuligsa ni Pezeshkian ang ginawang pag-post ng mga patama ni Trump at paglapastangan umano sa relihiyon at insulto sa dignidad ng Catholic leader.

Si Pope Leo XIV, ang kauna-unahang American pope sa kasaysayan ng Simbahang Katolika, ay kilala sa kanyang matinding panawagan para sa kapayapaan at dayalogo sa gitna ng mga pandaigdigang tensyon, kabilang ang sa Iran.

Ang kanyang mga pahayag laban sa karahasan at digmaan ay nag-udyok ng matinding reaksyon mula pangulo ng America, na nagbunsod ng insulto at kontrobersyal na imahe.

Nag-post pa si Trump ng AI-generated image kung saan inilarawan niya ang sarili bilang tila si Jesus.

Sa kabila ng kontrobersya, nanatiling nakatuon si Pope Leo XIV sa kanyang misyon ng kapayapaan at pagkakaisa, habang ang suporta ni Pezeshkian ay nagbigay ng hindi pangkaraniwang solidarity sa pagitan ng Iran at Vatican.

----

Umani ng matinding batikos si U.S. President Donald Trump matapos niyang mag-post ng AI-generated image nang “Jesus-like figure” bago ito tuluyang binura sa social media platform niyang Truth Social.

Ang larawan ay inilabas kasabay ng panibagong pag-batikos ni Trump kay Pope Leo XIV, na tinawag niyang “weak on crime” at “terrible for foreign policy.”

Sa AI image, makikitang nakasuot si Trump ng puting robe at tila nagpapagaling ng isang tao, may hawak di siyang makinang na orb, habang nasa background ang mga simbolo gaya ng Statue of Liberty, agila, at fighter jets.

Nag-viral ang post at umani ng kritisismo maging mula sa ilang konserbatibong grupo na sumusuporta sa kanya at sa ilang mga kilalang personalidad sa conservative circles, na nagsabing hindi angkop na ginagawang “religious figure” ang isang politiko.

Ilang kritiko rin ang nagsabi na ang ganitong post ay maaaring makaapekto sa relasyon ni Trump sa religious right, na isa sa mga naging dahilan ng kanyang pagkapanalo noong halalan.

Ang White House tikom ang bibig hinggil sa insidente, habang ang post ay tinanggal na mula sa account ni Trump.