Inihayag ni US President Donald Trump na maaaring matapos na ng Amerika ang military attacks sa Iran sa loob ng dalawa o tatlong linggo.
Kung saan hindi na aniya kailangan ng Iran na makipag-kasundo sa US bilang kondisyon para sa pagtatapos ng giyera.
Katwiran ni Trump, ang kasunduan sa Iran ay “irrelevant” at binigyang-diin na lulubayan ng US ang Islamic country kapag natiyak ng hindi gagawa ng nuclear weapon ang rehimen sa mga darating na taon.
Sinabi rin ni Trump na napalitan na nila ang rehimen ng Iran, na hindi bahagi ng kanilang plano. Giit ni Trump, iisa lang ang kaniyang layunin, ang siguraduhing walang nuclear weapons ang Iran, na nakamit na umano ng Amerika.
**
Inihayag ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na kinausap siya ng mga kaalyadong bansa na iatras muna ang pag-atake sa energy infrastructure ng Russia.
Kasunod ito sa nararanasang pandaigdigang krisis sa langis dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Hindi naman na binanggit nito ang mga bansang nakiusap sa kaniya.
Subalit sinabi niya na magagawa lamang nila ito kapag tumigil na rin ang Russia ng airstrike sa kanilang mga pasilidad. Magugunitang ang China at India ang siyang pangunahing bumibili ng mga langis mula sa Russia.
**
Inanunsiyo ng Austria ang pagbabawal ng paggamit ng social media sa mga kabataan na edad 14 pababa.
Ayon kay Vice-Chancellor Andreas Babler ng Social Democrats, na hindi na makayanan pa ng kanilang gobyerno ang negatibong epekto ng social media sa kanilang mga kabataan.
Dagdag pa nito na responsibilidad din ng mga pulitiko na pangalagahan ang kapakanan ng mga bata.
Maituturing din ito na isang uri ng adiksyon gaya sa alkohol at tobacco.
Magugunitang ilang mga bansa na ang nagpasa ng batas para sa pagbabawal sa mga kabataan na gumamit ng social media. Ito ay kinabibilangan ng Denmark, Greece, Spain at Ireland.