Skip to content

June 9 - 8 am NEWS

June 9 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Jun 09, 2026 | 10:10 AM

Muling ipinagmalaki ni US President Donald Trump na nagkakaroon na ng pinal na kasunduan ang US at Iran.

Mula pa noong Abril ay nasa 37 na ulit ng sinabi ni Trump ang pagkakaroon ng kasunduan nila ng Iran.

Giit ng US President na isang solido na ang nasabing pag-uusap kung saan handa na nila itong ipatupad.

Nagkaroon na rin ng kasunduan ang Iran at Israel na itigil ang labanan.

----

Sinuspinde ng executive bureau ng International Criminal Court (ICC) si Chief Prosecutor Karim Khan dahil sa mga alegasyon ng sexual misconduct o pang-aabusong sekswal.

Ang 21-member bureau ng Assembly of States Parties (ASP), na siyang namamahala sa ICC, ay nagdesisyon sa pamamagitan ng qualified majority na suspindihin si Khan habang nakabinbin pa ang pinal na desisyon ng naturang bureau bilang competent decision-maker.

Binigyang-diin ng bureau na ang suspensiyon ay hindi indikasyon ng pinal na resulta.

Matatandaang inakusahan si Khan ng umano’y indecent behaviour sa isang babaeng empleyado na nagtrabaho sa ilalim niya. Nagsimula ang isyu noong unang bahagi ng 2024, kung saan inakusahan si Khan ng isang babaeng assistant na nagsabing hinaras siya at pinilit sa ilang hindi kanais-nais na gawain.

Bago pa man ang opisyal na suspensiyon noong Hunyo 2026, si Khan ay boluntaryong naghain ng leave of absence noong Mayo 2025 para bigyang-daan ang imbestigasyon. Makailang ulit na rin niyang itinanggi ang mga paratang laban sa kaniya.

Si Khan ay kilala sa paghawak ng mga high-profile na kaso, kabilang ang mga warrant laban kay Russian President Vladimir Putin at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, gayundin ang imbestigasyon laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil sa nasabing suspensiyon, siya ay na-diskwalipika na rin sa paghawak ng kaso ng dating Philippine president.

---

Kinumpirma ni US President Donald Trump na ligtas ang dalawang piloto ng military helicopter matapos na bumagsak ito malapit sa Strait of Hormuz.

Ayon kay Trump na kapwa ligtas ang mga piloto at walang anumang nasugatan.

Hindi naman nito binanggit ang dahilan ng pagbagsak ng nasabing helicopter.

Inihayag din ni Trump na nasa final phase na ang kanilang peace deal sa Middle East kung saan kapwa binawasan ng Iran at Israel ang kanilang labanan.